Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
Advertisement

Tuesday, August 27, 2019

Magkano ang Sahod ni Mayor Isko at President Duterte?





Bilang isang empleyado excited tayo na makatanggap ng unang sweldo. Ganito din ang pakiramdam ni Manila Mayor Isko Moreno na nakatanggap na ng kanyang unang sweldo bilang bagong alkalde ng Manila simula Hunyo 30 nitong taon.

Pero alam niyo ba kung magkano ang sahod ng sikat na Manila mayor? Sa ipinakitang tseke ng alkalde, umaabot sa P122,000 ang buwanang sahod nito maliban pa sa P28,000 na Representation Allowance at Transportation Allowance (RATA).

Ads


Ang RATA ay ibinibigay umano sa mga opisyal ng gobyerno na ginagamit sa pagpapatupad nila ng kani-kanilang mga tungkulin.

At kagaya ng karamihan satin, mapupunta umano sa grocery lalo na sa gatas at diaper ang kanyang sahod.

Ngunit hindi lingid sa kaalaman ng lahat na wala ng maliit na baby si Isko dahil malalaki na ang kanyang limang anak sa asawa nitong si Diana Lynn Ditan.

Sponsored Links


Mas sumikat ang actor-turned politician na si Isko matapos nitong talunin sa pagka-alkalde ng Manila si dating Manila Mayor Erap Estrada. 

Kung mahigit sa P100,000 ang sahod ni Isko, mas malaki naman ng halos na apat na beses ang sahod ni Pangulong Rodrigo Duterte na umaabot sa halos P400,000 habang higit sa P300,000 naman ang sahod ni Vice President Leni Robredo!

Ads




Monday, August 26, 2019

Pinay DH sa Saudi, 'Di Pinatulog ng Amo Hangga't Hindi Nahahanap ang Butiki sa Loob ng Bahay ng Amo!







Hindi na bago ang kaso ng pagmamaltrato sa mga Overseas Filipino Workers o OFWs, lalo na sa mga domestic helpers. Iba't-ibang bansa, iba't-ibang sitwasyon. Sabi nga nila, swertihan lamang ang pag-aabroad at yan ay napatunayan ng tatlong mga OFW na ito na tila minalas sa kanilang pangingibang bansa sa Saudi Arabia. 

Isang domestic helper sa Saudi Arabia si Delia Kuyan na taga — Tboli, South Cotabato. Humingi ito ng tulong sa programa ni Raffy Tulfo dahil sa pang-aabuso ng amo. May pangyayari umanong hindi ito pinatulog nga mo dahil sa butiking nakapasok sa kanilang bahay.

Ads




Ayon kay Delia, hindi ito pinatulog ng amo hanggang sa hindi nito makita ang butiki. Tinawag pa umano itong baliw ng kanyang amo at sinasaktan dahila kung bakit ninais na lamang nitong maka-uwi!

Samantala, isa ding domestic helper sa Riyadh, Saudi Arabia si Suzette Sumagang mula naman sa Dagupan, Pangasinan. Umiiyak itong humingi ng tulong sa programa ni Raffy Tulfo dahil madalas umano itong hampasin ng tsinelas ng kanyang amo.

Halos hindi naman magka-iba sa dalawang OFW ang sitwasyon ni Freche Paquinding, 24-anyos, isang OFW sa Dammam, Saudi Arabia mula sa Maragusan, Compostella Valley Province. 

Sinasaktan din at tinanangka pang kahasain ng kanyang amo si Freche dahilan kung bakit humingi na ng tulong ang kanyang pamilya upang mapauwi ito sa Pilipinas.

Sa tulong ng programa ni Raffy Tulfo at ng Overseas Employment Administration (OWWA), naka-uwi ang tatlong inabusong OFW sa Pinas at muling nakapiling ang kanilang pamilya!

Sponsored Links



Ads

OFW, Napilitang Umuwi Matapos Lokohin ni Misis na May Anak na sa Isang Sundalo








Para sa pamilya. Ito ang madalas dahilan ng isang tao kung bakit nag-desisyon itong mag-trabaho sa ibang bansa — mapa-aral ang mga anak, makabili ng bahay, magkaroon ng sariling pangkabuhayan at iba pa. Pero sa ngayon, kasabay ng maraming Pinoy na nag-aabroad, tumataas din ang bilang ng pamilyang nasisira dahil sa hindi pagiging tapat ng isa.


Halimbawa na lamang dito ang kwentro ng OFW na si Rudyard Borlaza mula sa Dubai na napilitang umuwi matapos nabalitaang nakipag-relasyon na sa iba ang asawa nitong si Melita Grace Borlaza na iniwan nito sa 'Pinas.



Ads


Sa paghingi ng tulong ni Rody sa Raffy Tulfo in Action, maliliit pa ang kanilang tatlong mga anak. Nagkaroon umano ng relasyon sa isang army reservist si Melita at nagkaroon pa ng anak sa kanyang umano'y kabit na sundalo.

Sa kabila ng paghingi ng tawad ng babae, nagmatigas naman ito sa pagbura ng kanyang dummy account sa Facebook na "Yumi Baby Ko" dahilan upang mag-desisyon na lamang ang OFW na ihabla ang asawa maging ang kalaguyo nito!
Sponsored Links

(Panoorin ang mga pangyayari sa mga videos na ito)


Ads



(Part II)


(Part III)