Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
Advertisement

Tuesday, August 27, 2019

Magkano ang Sahod ni Mayor Isko at President Duterte?





Bilang isang empleyado excited tayo na makatanggap ng unang sweldo. Ganito din ang pakiramdam ni Manila Mayor Isko Moreno na nakatanggap na ng kanyang unang sweldo bilang bagong alkalde ng Manila simula Hunyo 30 nitong taon.

Pero alam niyo ba kung magkano ang sahod ng sikat na Manila mayor? Sa ipinakitang tseke ng alkalde, umaabot sa P122,000 ang buwanang sahod nito maliban pa sa P28,000 na Representation Allowance at Transportation Allowance (RATA).

Ads


Ang RATA ay ibinibigay umano sa mga opisyal ng gobyerno na ginagamit sa pagpapatupad nila ng kani-kanilang mga tungkulin.

At kagaya ng karamihan satin, mapupunta umano sa grocery lalo na sa gatas at diaper ang kanyang sahod.

Ngunit hindi lingid sa kaalaman ng lahat na wala ng maliit na baby si Isko dahil malalaki na ang kanyang limang anak sa asawa nitong si Diana Lynn Ditan.

Sponsored Links


Mas sumikat ang actor-turned politician na si Isko matapos nitong talunin sa pagka-alkalde ng Manila si dating Manila Mayor Erap Estrada. 

Kung mahigit sa P100,000 ang sahod ni Isko, mas malaki naman ng halos na apat na beses ang sahod ni Pangulong Rodrigo Duterte na umaabot sa halos P400,000 habang higit sa P300,000 naman ang sahod ni Vice President Leni Robredo!

Ads