Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
Advertisement

Monday, August 26, 2019

Pinay DH sa Saudi, 'Di Pinatulog ng Amo Hangga't Hindi Nahahanap ang Butiki sa Loob ng Bahay ng Amo!







Hindi na bago ang kaso ng pagmamaltrato sa mga Overseas Filipino Workers o OFWs, lalo na sa mga domestic helpers. Iba't-ibang bansa, iba't-ibang sitwasyon. Sabi nga nila, swertihan lamang ang pag-aabroad at yan ay napatunayan ng tatlong mga OFW na ito na tila minalas sa kanilang pangingibang bansa sa Saudi Arabia. 

Isang domestic helper sa Saudi Arabia si Delia Kuyan na taga — Tboli, South Cotabato. Humingi ito ng tulong sa programa ni Raffy Tulfo dahil sa pang-aabuso ng amo. May pangyayari umanong hindi ito pinatulog nga mo dahil sa butiking nakapasok sa kanilang bahay.

Ads




Ayon kay Delia, hindi ito pinatulog ng amo hanggang sa hindi nito makita ang butiki. Tinawag pa umano itong baliw ng kanyang amo at sinasaktan dahila kung bakit ninais na lamang nitong maka-uwi!

Samantala, isa ding domestic helper sa Riyadh, Saudi Arabia si Suzette Sumagang mula naman sa Dagupan, Pangasinan. Umiiyak itong humingi ng tulong sa programa ni Raffy Tulfo dahil madalas umano itong hampasin ng tsinelas ng kanyang amo.

Halos hindi naman magka-iba sa dalawang OFW ang sitwasyon ni Freche Paquinding, 24-anyos, isang OFW sa Dammam, Saudi Arabia mula sa Maragusan, Compostella Valley Province. 

Sinasaktan din at tinanangka pang kahasain ng kanyang amo si Freche dahilan kung bakit humingi na ng tulong ang kanyang pamilya upang mapauwi ito sa Pilipinas.

Sa tulong ng programa ni Raffy Tulfo at ng Overseas Employment Administration (OWWA), naka-uwi ang tatlong inabusong OFW sa Pinas at muling nakapiling ang kanilang pamilya!

Sponsored Links



Ads