Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
Advertisement

Wednesday, September 4, 2019

Amerikana, May Bitbit na Sanggol Na Walang Kaukulang Dokumento, Nasabat Sa NAIA 3

Nahaharap sa kasong human trafficking ang isang American national na nagtangkang lumabas ng bansa na bitbit ang isang sanggol na walang kaukulang travel documents tulad ng passport at boarding pass para sa 6 na araw na gulang na sanggol. Nasabat ng mga kinatawan ng Bureau of  Immigration (BI) ang babae habang papaalis ng bansa at pasakay na sana ng eroplano sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.
Ads

Kinilala ng Bureau of immigration ang Amerikana na si Jenniffer Talbot, 43. Ayon kay BI Deputy Spokesperson Melvin Mabulac inilagay ng babae ang sanggol sa isang belt bag at hindi ito iprinisinta sa checking ng immigration inspector. 
Ayon sa imbestigasyon, may ipinakita umanong papel ang ginang na nagsasaad parents consent na may pirma ng diumano ay mga magulang nito para ayusin ng babae ang travel documents ng sanggol. 
Sponsored Links

Ads



Nahaharap sa kasong human trafficking ang babae at nai-turn-over na ng BI sa national Bureau of Investigation (NBI) upabng sumailalim pa sa mas malalim na imbestigasyon samantalang ang sanggol ay nasa ligtas na kalagayan sa pangangalaga ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Inatasan naman ni Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal ang mga kinatawang pangseguridad ng paliparan na magsagawa ng masusing pagsisiyasat hinggil sa pangyayari.