“If you do not, then beginning at this hour, you are a fugitive from justice. And you will be treated as a criminal who is evading the law and well you know things can go wrong,.” Ito ang pahayag ni Pangulong Duterte para sa mga presong lumaya kamakailna sa bisa ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) na nagbibigay pagkakataon sa mga bilanggo na mapababa ang panahon ng kanilang pagkakakulong sa pamamagitan ng pag-gawa ng kabutihan sa loob ng bilangguan.


Ads
Binanggit din niya na kailangang sumuko ng mga convict sa kontrobersiyal na Chiong sisters rape- slay case sa pangambang nagkaroon ng korapsyon sa likod ng paglaya ng mga ito.
Binigyan ng pangulo ng labinglimang araw ang mag ito upang sumuko sa pinakamalapit na himpilan ng pulisya o kampo ng militar.
“If I were you, I would surrender to the nearest police or military detachment wherever you are now because I do not need to have a warrant,... I will just order them and I take full responsibility for this. And all the consequences connected with this decision will be mine and mine alone,” dagdag pa ng Pangulo.
Sponsored Links
Ads
Ayon sa ulat, nakahanda na ang mga tracker team na hahanap at tutugis sa mga presong napalaya sa bisa ng GCTA.
Nauna nang binalaan ang mga preso na sumuko at nakahandang magbigay ng P1 milyong pabuya sa sinumang makakahuli sa kanila patay man o buhay. Ayon sa PNP, wala naman umanong direktang utos na shoot to kill sa kanila para sa mga tinutugis na napalayang preso maliban na lamang kung lumaban ang mga ito at malagay sa panganib ang buha ng mga operatiba.