Dahil nga isa ang Pilipinas sa iilang bansa sa Asya hindi nagpapatupad ng parusang kamatayan, mistula umanong nasa field trip ang mga kriminal. Pabor si Senador Manny Pacquiao sa parusang bitay at firing squad para sa mga drug dealer.
Ads
Habang walang parusang kamatayan sa Pilipinas, maraming drug lords at pusher ang pumupunta sa bansa at tila sinasamantala ito ayon kay Sen. Pacquiao sa isang panayam ng Reuters.
Kung siya ang tatanungin kung ano ang dapat gawin sa mga ito, sinabi ng senador na firing squad ang dapat sa kanila ngunit ang kagustuhan pa rin ng nakararami ang masusunod. Ayon sa senador, ang mas mahalaga ay maipatupad ang death penalty.
Sponsored Links
Ads
Ayon sa ulat ng Reuters, 21 bills na ang naipasa sa kamara at sa senado upang maibalik ang death penalty na sasakop sa mga karumal-dumal na krimen katulad ng drug trafficking, plunder, kidnapping rape at murder subalit hanggang ngayon ay mabagal pa rin ang pag-usad nito.
Noong panahon ng dating pangulong Marcos, ipinag-utos nito ang execution sa isang druglord na nagngangalang Lim Seng sa pamamagitan ng firing squad sa Fort Santiago noong enero taong 1973.
Sinuspinde ang parusang kamatayan sa Pilipinas simula noong 2006.