Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
Advertisement

Wednesday, September 4, 2019

Mayor Isko At Fastfood Chain, Magbibigay ng Trabaho Sa Mga Senior Citizen Ng Maynila

Kamakailan ay ipinangako ni Manila Mayor Isko Moreno na bibigyan ng pamahalaang lunsod ng Maynila ng pagkakataong makapag hanapbukay na muli ang mga senior citizen at persons with disability (PWD) sa kanyang nasasakupan upang magkaroon ng pagkakakitaan kahit sa kanilang idad. Ngayon ganap nang maipapatupad ito sa bisa ng kasunduang nilagdaan ngayon sa pagitan ng Pamahalaang Lungsod at mga malalaking fastfood chain.

Ads

Panoorin ang aktuwal na paglagda ng alkalde ng Maynila at ng mga negosyong nakiisa sa adhikain na muling bigyan ng pagkakataon na maghanapbuhay ang mga senior citizen. Nakiisa ang McDonalds Philippines sa adhikain ng pamahalaang lunsod ng Maynila sa pamumuno ng butihing alkalde Isko Moreno at ng sangguniang bayan ng Maynila.


Kamakailan lang ay nilagdaan ang memorandum of agreement (MOA) sa pagitan ng lokal na pamahalaan at Jollibee Foods Corp. (JFC) na layong magbigay ng trabaho sa mga taga-Maynila na may edad 60 anyos pataas at may kapansanan.
Sponsored Links

Ads

Malaking bagay para sa mga senior citizen na muli silang mabigyan ng pagkakataong kumita para sa kanilang sarili na hindi tinitingnan ang kanilang idad o kapansanan. Ayon kay Mayor Isko Moreno Domagoso, ito ay bilang pagkilala sa mga kontribusyon ng mga senior citizen at PWD's sa lungsod bilang mga haligi ng pamayanan.