Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
Advertisement

Sunday, September 1, 2019

Mayor Isko, Rumesponde Sa Riot Ng Mga Batang Hamog Sa Delpan

"Talamak na talaga ang solvent dito sa Maynila..." ito ang naibulalas ni Mayor Isko Moreno Domagoso matapos rumesponde sa report ng netizen na may nagaganap na riot ng mga batang hamog sa lugar ng Delpan sa Tundo, Manila. Walang kapagurang tumutugon si Mayor sa mga reklamo anumang oras.

Ads

Sponsored Links

Sa loob pa lamang ng sasakyan papunta sa lugar kung saan iniulat na may nagaganap na rambol ng mga kabataan, hindi na maitatago ang pagkadismaya ng alkalde. Inalam ang mga istasyon ng pulis na malapit sa lugar at kinuwestiyon ang mga ksyon ng mga ito kaugnay sa kaguluhan. Hindi pinaligtas ang mga barangay chairman na nakakasakop dito.

Ayon sa alkalde, malaki rin ang pananagutan ng mga magulang na mistulang pinababayaan ang kanilang mga anak na lumaboy pa sa lansangan kahit dis-oras na ng gabi. nabanggit din ni Mayor Isko na kailangan na ipatupad kaagad ang curfew para sa mga menor de edad na kabataan.
Ads

Sa kanilang pagdating sa lugar kung saan diumano ay may nagra-riot na mga kabataan, hindi na nila inabutan angaktuwalk na kaguluhan. Ang mag naroon na lamang ay mga nag-uumpukan na ang ilan sa kanila ay mga menor de edad. Agad na sinabihan ni mayor ang mga ito na magsiuwi na ng bahay at magpahinga na sa kani-kanilang mga bahay ksabay ng babala na kinabukasan ay dadamputin na sila kapag nahuling nasa lansangan pa sa dis-oras ng gabi. Siyempre hindi mawawala ang mga gustong makipag-selfie sa butihing punong lungsod na pinaunlakan naman ni "Yorme".

Bagamat hindi nila inabutan ang ini-repport na gulo, itinuloy na rin ng grupo ni mayor Isko ang paglilibot sa mga lansangan kung saan makikita sa video na isng paslit ang nahuli nilang sumisinghot ng solvent. Sinundan pa ito ng ilan pang kabataan na nagsosolvent din.

Nang mga oras ding iyon, ikinasa ni Mayor Isko kinaumagahan  ang isang command conference tungkol sa agarang pagpapatupad ng curfew para sa mga kabataang 17-anyos pababa at pati ang mga magulang ay itinakdang managot sa papamagitan ng multa at posibleng pagkakakulong ng hanggang anim na buwan kapag napatunayang lumabag sa naturang ordinansa.