Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
Advertisement

Thursday, September 5, 2019

Mga OFW Na Natuwa Sa Pamamalakad Ni Mayor Isko, Nagpadala ng Kalahating Milyon Sa Pamahalaan Ng Lungsod Ng Maynila

Nagpahayag ng taus-pusong pasasalamat si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa tulong na ibinibigay ng mga ito sa pamahalaang lungsod. Umabot sa P500,000 ang halaga ng mga padala na ibinigay umano ng mga OFW bilang tulong sa pagpapaunlad ng Maynila.
Nagpahayag ng taus-pusong pasasalamat si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso sa mga Overseas Filipino Workers (OFW) sa tulong na ibinibigay ng mga ito sa pamahalaang lungsod. Umabot sa P500,000 ang halaga ng mga padala na ibinigay umano ng mga OFW bilang tulong sa pagpapaunlad ng Maynila.      Ads  Ayon sa alkalde, may mga OFW mula sa ibat-ibang bansa gaya ng United States, Europe and the Middle East ang nagpadala sa pamahalaang lungsod ng nagkakahalaga ng $10,600 o nasa P550,000. “Pinagpapasalamat ko iyon. Hindi ’yun obligasyon ng mga OFW, ng mga immigrants,” sabi ni Mayor Isko.  “First time na ang tao mismo, nagbabayad na ng buwis, bumubunot pa ng extra para sa lungsod ng Maynila dahil nagugustuhan daw nila ’yung pagsusumikap ng kawani ng pamahalaan,” dagdag pa ng alkalde.   Sponsored Links    Ads   Dahil hindi naman naka-specify kung saan dapat gamitin ang ipinadala ng mga OFW, inilagay ang naturang halaga sa isang trust fund habang hindi pa natitiyak kung saan gagamitin ang pondo.  Sabi pa ni Mayor Isko, binigyan nila ng kaukulang resibo ng pamahalaan ng lungsod ng Maynila ang donasyon. “Binigyan namin sila ng resibo ng Pamahalaan ng Lungsod ng Maynila... Lilikumin [namin] tapos we’ll come up with something,” aniya.  Bukod pa sa salaping donasyon, ilang kumpanya rin ang nagbigay ng sabon, pintura at iba pang materyales bilang tulong sa pagpapagandang muli ng Maynila.  “Sana ’wag kayo magsawa at damihan niyo pa,” pabirong pahayag ni Mayor Isko.

Ads

Ayon sa alkalde, may mga OFW mula sa ibat-ibang bansa gaya ng United States, Europe and the Middle East ang nagpadala sa pamahalaang lungsod ng nagkakahalaga ng $10,600 o nasa P550,000.
“Pinagpapasalamat ko iyon. Hindi ’yun obligasyon ng mga OFW, ng mga immigrants,” sabi ni Mayor Isko.

“First time na ang tao mismo, nagbabayad na ng buwis, bumubunot pa ng extra para sa lungsod ng Maynila dahil nagugustuhan daw nila ’yung pagsusumikap ng kawani ng pamahalaan,” dagdag pa ng alkalde.

Sponsored Links

Ads

Dahil hindi naman naka-specify kung saan dapat gamitin ang ipinadala ng mga OFW, inilagay ang naturang halaga sa isang trust fund habang hindi pa natitiyak kung saan gagamitin ang pondo.

Sabi pa ni Mayor Isko, binigyan nila ng kaukulang resibo ng pamahalaan ng lungsod ng Maynila ang donasyon.
“Binigyan namin sila ng resibo ng Pamahalaan ng Lungsod ng Maynila... Lilikumin [namin] tapos we’ll come up with something,” aniya.

Bukod pa sa salaping donasyon, ilang kumpanya rin ang nagbigay ng sabon, pintura at iba pang materyales bilang tulong sa pagpapagandang muli ng Maynila.

“Sana ’wag kayo magsawa at damihan niyo pa,” pabirong pahayag ni Mayor Isko.