Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
Advertisement

Thursday, September 12, 2019

Mikrobyong Kumakain Ng Plastic, Sagot sa Lumalalang Problema Sa Basura

Kasabay ng pagdami ng populasyon at pag-unlad ng industriya ay ang pagdami din ng pangunahing problema ng mga tao — ang basura. Tone-toneladang basura ang naiipon araw-araw sa ibat-ibang bahagi ng mundo na kadalasan ay nagiging sanhi ng perhuwisyo katulad ng baha at nagiging tirahan ng mga hayop at insekto na nagiging banta sa kalusugan ng tao. Ang pinakamalaking bahagi ng mga basura ay ang mga hindi nabubulok na plastic.

Dalawang estudyante ang nanalo sa ginanap na Sanofi BioGENEius Challenge Canada noong 2012 dahil sa kanilang pagkakadiskubre ng strain ng bacteria na kumakain ng plastic.
Kasabay ng pagdami ng populasyon at pag-unlad ng industriya ay ang pagdami din ng pangunahing problema ng mga tao — ang basura. Tone-toneladang basura ang naiipon araw-araw sa ibat-ibang bahagi ng mundo na kadalasan ay nagiging sanhi ng perhuwisyo katulad ng baha at nagiging tirahan ng mga hayop at insekto na nagiging banta sa kalusugan ng tao. Ang pinakamalaking bahagi ng mga basura ay ang mga hindi nabubulok na plastic.   Dalawang estudyante ang nanalo sa ginanap na Sanofi BioGENEius Challenge Canada noong 2012 dahil sa kanilang pagkakadiskubre ng strain ng bacteria na kumakain ng plastic.      Ads       Pagkatapos nilang bisitahin ang waste transfer station na puno ng napakaraming plastic, nalaman ng dalawang estudyante na sina Miranda Wang at Jeanny Yao na ang plastic ay mananatiling hindi nabubulok sa loob ng 5,000 taon. Ang plastic ay binubuo ng phthalates na may masamang epekto sa reproductive development ng mga tao at maging sa kalusugan.  Ang dalawang ito ay nagsagawa ng pag-aaral ng posibleng solusyon at kalaunan ay nakadiskubre ng bacteria na kumakain ng phthalates.   Sponsored Links      Ads    Sa Pilipinas, nadiskubre ang micro-organism sa Zambales at patuloy na pinag-aaralan sa Unibersidad ng Pilipinas-Baguio.   Nakita ang mga bacterial strains na kayang bumulok sa low-density polyethylene  na karaniwang ginagamit na sangkap sa mga plastic wrappers sa mga siwang ng bato ng Poon Bato spring sa Botolan, Zambales.  Lumalabas na apat sa siyam na bacteriang kanilang na-"isolate" mula sa bukal ang lubos na nagpababa sa bigat ng plastic polymer nang i-introduce dito sa loob ng 90 araw.  Matapos maubos ang plastic, nakitang ligtas sa kalikasan ang nilikhang dumi ng bacteria, sabi ng mga mananaliksik.  "Results revealed changes in physical structure and also chemical composition of the films. Another method which determined plastic utilization of the bacteria was the evident decrease in the weight of the films," sabi ng tanggapan ng UP Vice President for Academic Affairs tungkol sa pag-aaral.  "Protein analysis also indicated that bacterial cells could live and proliferate with films as the source of energy. Looking at the physical and chemical changes of the plastics before and after some time with the bacterial isolates, it was deduced that these minute organisms can possibly end plastic domination by making a meal out of it," dagdag nito.  Aniya, napatunayan na raw ng ibang studies sa ibang bansa na kayang bulukin ng mga organismong nabubuhay sa "extreme conditions" ang plastic.  Nakita ang mga bacteria sa isang bukal na naglalaman ng calcium, magnesium, sulfate, chloride at iron.  Umaasa ang mga researcher na magagamit ang kanilang discovery para masolusyunan ang problema sa basura dahil sa plastic.  Ayon sa research ng Global Alliance for Incinerator Alternatives na inilabas ngayong buwan, nakitang 164 milyong pirasong plastic sachet ang itinatapon sa Pilipinas araw-araw.   Bukod pa iyan sa plastic shoppping bags, plastic labo bags at diaper na naiimbak sa mga anyong tubig at landfill.

Ads




Sponsored Links


Pagkatapos nilang bisitahin ang waste transfer station na puno ng napakaraming plastic, nalaman ng dalawang estudyante na sina Miranda Wang at Jeanny Yao na ang plastic ay mananatiling hindi nabubulok sa loob ng 5,000 taon. Ang plastic ay binubuo ng phthalates na may masamang epekto sa reproductive development ng mga tao at maging sa kalusugan.

Ang dalawang ito ay nagsagawa ng pag-aaral ng posibleng solusyon at kalaunan ay nakadiskubre ng bacteria na kumakain ng phthalates. 


Ads

Sa Pilipinas, nadiskubre ang micro-organism sa Zambales at patuloy na pinag-aaralan sa Unibersidad ng Pilipinas-Baguio.


Nakita ang mga bacterial strains na kayang bumulok sa low-density polyethylene  na karaniwang ginagamit na sangkap sa mga plastic wrappers sa mga siwang ng bato ng Poon Bato spring sa Botolan, Zambales.

Lumalabas na apat sa siyam na bacteriang kanilang na-"isolate" mula sa bukal ang lubos na nagpababa sa bigat ng plastic polymer nang i-introduce dito sa loob ng 90 araw.

Matapos maubos ang plastic, nakitang ligtas sa kalikasan ang nilikhang dumi ng bacteria, sabi ng mga mananaliksik.

"Results revealed changes in physical structure and also chemical composition of the films. Another method which determined plastic utilization of the bacteria was the evident decrease in the weight of the films," sabi ng tanggapan ng UP Vice President for Academic Affairs tungkol sa pag-aaral.

"Protein analysis also indicated that bacterial cells could live and proliferate with films as the source of energy. Looking at the physical and chemical changes of the plastics before and after some time with the bacterial isolates, it was deduced that these minute organisms can possibly end plastic domination by making a meal out of it," dagdag nito.

Aniya, napatunayan na raw ng ibang studies sa ibang bansa na kayang bulukin ng mga organismong nabubuhay sa "extreme conditions" ang plastic.

Nakita ang mga bacteria sa isang bukal na naglalaman ng calcium, magnesium, sulfate, chloride at iron.

Umaasa ang mga researcher na magagamit ang kanilang discovery para masolusyunan ang problema sa basura dahil sa plastic.

Ayon sa research ng Global Alliance for Incinerator Alternatives na inilabas ngayong buwan, nakitang 164 milyong pirasong plastic sachet ang itinatapon sa Pilipinas araw-araw.

Bukod pa iyan sa plastic shoppping bags, plastic labo bags at diaper na naiimbak sa mga anyong tubig at landfill.