Isang OFW sa Saudi Arabia ang diumano ay hindi binigyan ng sahod ng kanyang amo bagkus ay sinampal pa siya nito nang hingin ang kanyang pinaghirapang sweldo.
Nanghingi ng tulong si MJ Aquino sa pamamagitan ng social media tungkol sa kanyan malupit na amo na kumuha ng kanyang pera na dapat ay ipapadala niya sa kanyang pamilya sa Pilipinas. Hindi lang iyan, sinampal pa umano siya nito sa mukha nang tangkain niyang hingin ang kanyang sahod.
Ads
Ayon kay Aquino, nagbigay siya ng SAR1, 200 pati na rin ang taxi fare na SAR100 sa kanyang amo na pinakisuyuan niya para makapagpadala siya sa Pilipinas.
Pumayag naman umano ang amo subalit nang makauwi ito ay sinabing sarado na diumano ang remittance center nang ito ay dumating sa lugar.
Sinabihan pa umano si Aquino na ibabalik ang pera sa kanya kinalingguhan.
Dumating ang araw ng Linggo subalit hindi nito ibinigay ang pera sa kanya.
Sponsored Links
Ads
Sinabihan umano si Aquino na ibibigay ang kanyang pera kinabukasan.
nang sumunod na araw, itinanong ng OFW ang kanyang pera sa amo gayundin ang kanyang sweldo. Hindi parin ito ibonigay ng amo. Napaiyak na umano si Aquino at nagtungo na lamang sa kusina. Nang makita ito ng kanyang amo, sinampal nito si Aquino at sinabing may mga sariling problema din sila.
Binantaan din siyang pauuwiin na hindi ibinibigay ang kanyang 3 buwang sahod.
Sa video, umiiyak na humihingi ng tulong ang oFW na makauwi siya at makuha ang kanyang sahod mula sa kanyang malupit na amo.