Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
Advertisement

Wednesday, September 11, 2019

Pamilya ni Joanna Demafelis Nagpapabayad ng Php5 Million Bilang Blood Money

Joanna Demafeliz and his Employers in Kuwait

Ang pamilya ni Joanna Demafelis, ang Overseas Filipino Worker na pinaslang at nakita sa loob ng freezer sa Kuwait ay umaasang mahatulan ng kamatayan o death sentence ang kanyang mga empleyado. Kamakailan lamang ay nahatulan ang kanyang employer na babaeng 8 years hanggang 15 years na pagkabilanggo sa Syria. Panoorin ang report:


Matapos ang mahigit isang taon, hinatulang guilty sa pagpatay sa OFW na si Joanna Demafelis ang kanyang babaeng amo. Si Demafelis ang OFW sa Kuwait na natagpuang patay sa loob ng freezer, Pebrero noong nakaraang taon. - GMA News

Ang mga magulang ni Joanna na sina Eva at Crisanto, ay nakahinga ng maluwag ng malaman nila na ang babaeng amo na si Mouna Ali Hassoun na isang Syrian national ay napatunayang guilty ng pagpatay.

“Sana bitayin din. Kung ano ginawa nila kay Joanna, ‘yan din ang gawin sa kanila,” ayun sa report ng ABS-CBN News.
Ang kapatid ni Joanna na si Joejet ay umaasa din na ang employer ng kanyang kapatid ay hahatulan din ng bitay.
“Hanging by death na sinasabi nila, dapat mangyari sa mag-asawa. Sana matupad at maipakita sa amin ng tama kung ano ang ginawa nila sa kapatid ko,”  sabi pa ni Joejet. Sa naging hatol mukhang nadismaya ang pamilyang Demafeliz.

Sa pinakabagong ulat, ang pamilya ni Joanna ay nagdedemand sa kanyang employers na magbayad ng P5Million blood money or $100,000 kapalit ng kalayaan ng mag-asawa ayun sa Tempo.com.
Ayun sa Foreign Affairs Department na napatunayan na ng korte sa Syria si Mouna Ali Hassoun na guilty of murder samantalang ang asawa nitong lalaki ay kasalukuyang nililitis sa Lebanon.
Ads


Ayon sa pamilyang Demafeliz, hinihintay pa nila ang kasagutan ng mag-asawa sa kanilang demands na magbayad ng blood money kapalit ng kanilang kalayaan at hindi na itutuloy ang pagkaso.
Si Joanna Demafeliz ay umalis ng bansang Pilipinas noong 2014 bilang isang household service worker o kasambahay na magtratrabaho sa bansang Kuwait. Noong 2016, siya ay nawala at nakitang patay na sa loob ng freezer noong 2018. Dahil sa pangyayaring ito, nagkaroon ng lamat ng relasyon ng bansang Kuwait at Pilipinas.



Sponsored Links