Nagsalita na ang matagumpay na hair dresser na si Ricky Reyes tungkol sa kontrobersyal na issue ng Sexual Orientation and Gender Identity and Expression Equality Bill (SOGIE). Ayon sa kanya, kailanagn lamang lumagay ang mga kabilang sa LGBTQIA+ sa tamang lugar at rumespeto rin sa karapatan ng kapwa.
Ads
Bilang kilalang miyembro ng third sex, si Ricky ay hindi rin umano sang-ayon sa SOGIE bill kung saan humihiling ng patas na karapatan ang mga miyembro ng LGBT community."Tigilan na yang kabaklaan," aniya. "Dapat tumulong tayo sa kapwa para mahalin tayo ng tao," dagdag pa niya. Ayon kay Ricky, walang makakaintindi sa bakla kundi ang kapwa bakla lamang.
Sponsored Links
Ads
Matatandaang nag-ugat ang issue nang hindi papasukin sa comfort room ng babae ang isang transwoman sa isang mall sa Cubao, Quezon City. Umugong ang issue at naglabas ng kani-kanilang opinyon at saloobin ang maraming personalidad.
Hinggil sa issue ng hindi pagpapasok sa CR ng babae, ayong kay Ricky, " Kung may nota ka, sa panlalake ka, kung may kipay ka dun ka sa pang-babae, tapos ang usapan..."
"Nirerespeto kita bilang tao, nirerespeto kita bilang bading pero lumugar tayo sa tamang lugar," ayon kay Ricky.
"Ang bakla kahit operada na.... bakla pa rin ang utak nyan..." ani Ricky na binibigyang paliwanag na may tamang lugar para sa mga ito at mayrron namang lugar kung saan tanggap sila.
"Wag mong ipagsasaksakan ang sarili mo sa lugar na di ka naman matatanggap," dagdag pa ni Ricky.
Sa usapin ng same sex marriage, hindi sang-ayon si Ricky dito ayon sa kanya ang kasal ay para lamang sa lalake at babae. "Pambabastos sa relihiyon, wag na," sabi niya.
"Ang bakla ay bakla. Gilingin mo man yan ang labas nyan baklang hamburger," pagtatapos niya.