Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
Advertisement

Tuesday, September 3, 2019

Pinay, nanalo ng Dh 10 milyon sa Abu Dhabi Big Ticket raffle




ABU DHABI — HALOS hindi makapaniwala ang isang Filipina mula sa Pasig, matapos itong nanalo ng Dh 10 million o P142 milyon pesos na premyo sa Big Ticket Raffle sa Abu Dhabi, Martes ng gabi.

Kinilala ang bagong milyonaryo na si Marelie David na may ticket number na 172193. Lucky winner ito sa buwanang raffle sa Abu Dhabi International Airport.


Ads



Napag-alaman na sa Dubai na nakatira si Marelie kasama ang pamilya nito sa nakaraang 20 taon at sumasami umano sa nasabing raffle kada buwan kasama ang kanyang mga kaibigan.

Sampu umano sila sa nanalong ticket at paghahatian din ang premyong napanalunan.

Sponsored Links



Plano naman nitong ipatayo ng bahay ang perang napanalunan para sa kanyang anak. Tutulong din umano ito sa pagpapatayo ng kanilang simbahan sa kanilang lugar.

Una rito, halos hindi makapaniwala si Marelie sa balita at inaakalang pinagti-tripan lamang ito ng mga kaibigan.



Ads