Sponsored Links
SEARCH THIS SITE
Advertisement

Wednesday, September 4, 2019

SSS Maternity Benefits, aabot ng P70,000 mula Enero 2020




Good News sa mga nanay na manganganak sa susunod na taon! Aabot sa P70,000 ang maari ninyong makuha mula sa inyong maternity benefits sa Social Security System (SSS)! 

Sa anunsyo ng SSS, aabot sa P70,000 o doble mula sa dating P32,000 ang maximum maternity financial assistance na maari nilang ibigay sa mga manganganak pagpasok ng taong 2020.

Ads


Paliwanag ni SSS President at CEO Aurora Ignacio, ayon ito sa implementasyon ng Republic Act No. 11210 o Expanded Maternity Leave Act at pati na rin ng SSS Act of 2018.

Tumataas daw ang SSS benefits na makukuha ng mga miyembro dahil rin sa ipinatutupad na bagong minimum at maximum monthly salary credit.
Sponsored Links


Dagdag pa ng opisyal na mula nang maipa-implementa ang Expanded Maternity Leave Act, umabot na sa higit 122,000 nanay ang nakapag-avail ng dagdag-benepisyo.

Katumbas ito sa P2.67 bilyon na maternity benefits mula Enero hanggang Abril nitong taon, mas mataas ng 15.09 porsiyento sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Ngunit para makakuha ng nasabing benipisyo, siguruhing nagbabayad ka o ang iyong employer ng tamang kontribusyon sa SSS.

Ads